Pagbabalatkayo



Naisip mo ba kung ano ang pinakamagandang costume para sa isang masquerade ball? Sa mga kababaihan, ang pagiging fairy ay isang karaniwang pinipili. Maganda kasi, may angking alindog na tila nang-aakit. Sa mga kalalakihan, ang isang gladiator o mandirigma ay paborito rin. Pero alam mo bang kung minsan, kahit sa araw-araw nating pamumuhay ay may mga maskara rin tayong isinusuot? Sa iba ito'y mga papel na ginagampanan sa araw-araw. Role mo sa buhay ng bawat isa. Ang iyong pinakadahilan ng pagkabuhay. Kailan ba nagiging tama ang maling pananaw? Kailan nagiging katanggap-tanggap ang isang bagay na dati'y di mo maisip gawin? Kung ikaw ay nasa kagipitan, minsan nalilimutan mo kung sino ka talaga, kung ano ang mga pinahahalagahan mo, kung ano ang nararapat. Masisisi mo ba ang tao kung kailangan nyang maglihim at magbalatkayo upang mabuhay ang pamilya, upang mapag-aral ang mga anak, upang maiahon sa kahirapan ang kanyang mga mahal sa buhay? Pero alam mo bang ang isang punla ng kamalian ay nag-uugat at lumalalim, nagsasanga at bumubunga? Kapag ito'y ganap nang puno, makailang ulit mo mang putulin, ito'y patuloy na uusbong. Hangga't hindi mo kikitilin at bunutin sa pinakaugat nito, ang isang ugaling nakagawian ay mananatili. Ito'y tulad na rin ng mga bagay na pinalalagpas, pinapapasensyahan, pinagwawalangkibit magkaroon lamang ng katahimikan. Ewan ko kung kelan nagsimula, ang alam ko lang, isang ganap ng puno ng balete ang dati's tila baging lamang na umaakyat sa isang puno na dati-rati'y malago at namumunga. Ang problema, hindi na maaaring basta-bastang tanggalin ang ganitong uri ng halaman. Dahil kahit walang lupa ay nabubuhay ito, gumagapang, nananakal at sa kalaunan ay pinapatay ang dating malago at napakabungang puno. Nakakalungkot isipin na kung minsan, ang mga taong iyong tinitingala ay sya pa lang may mga lihim na kung iyong matututklasan ay sisira sa pagkatao nito. "Walang bagay na maikukubli..."
« Home | Next »
| Next »
| Next »
| Next »
| Next »
| Next »
| Next »
| Next »
| Next »
| Next »