Paghihintay sa Itinakda



Kalimitan, ang paghihintay ay nakakainip. At paminsan-minsan, pag talagang di ka na makapaghintay, umaalis ka na lamang at gagawin ang ibang bagay na maaaring di mo naman sana gagawin kung nangyari ang dapat mo sanang inaasahan. Nakakalungkot isipin na maraming pagkakataon na di natin nakamtan ang mga bagay, dahil nawalan tayo ng pasesysa na maghintay at taimtim na manalangin na lamang. Lingid sa kaalaman ng marami, and Dios ay maaasahan at Syang tunay nating sandigan sa anumang pagsubok sa buhay, sa anumang ating kinahaharap at sa mga pagkakataong tayo'y nawawalan na ng pag-asa, sya rin ang ating matatakbuhan and Tunay na maaasahan. Minsan ang lumbay ay nagdudulot ng kung anu-anong takot at pangamba sa kinabukasan. Kalimitan, ang mga ito ay kathang isip lamang. Mga paglalaro ng imahinasyon na nauuwi sa lalong pag-iisip ng malalim at pagkakaroon ng samo't saring pag-aalinlangan. Kung ating ibabaling ang ating pansin at buong pagkatao sa daang binubuksan ng ating Dakilang Dios, ang kapayapaang walang katumbas ay ating makakamtan. Kaya't huminahon, magbasa ng Salita ng Dios, manahan sa Kanyang piling at tanggapin ang Kanyang alok na "Manatili at nang iyong malaman na ako ang Dios na Buhay."
« Home | Next »
| Next »
| Next »
| Next »
| Next »
| Next »
| Next »
| Next »
| Next »
| Next »