Pagbabalatkayo

Sunday, January 27, 2013

Naisip mo ba kung ano ang pinakamagandang costume para sa isang masquerade ball? Sa mga kababaihan, ang pagiging fairy ay isang karaniwang pinipili. Maganda kasi, may angking alindog na tila nang-aakit. Sa mga kalalakihan, ang isang gladiator o mandirigma ay paborito rin. Pero alam mo bang kung minsan, kahit sa araw-araw nating pamumuhay ay may mga maskara rin tayong isinusuot? Sa iba ito'y mga papel na ginagampanan sa araw-araw. Role mo sa buhay ng bawat isa. Ang iyong pinakadahilan ng pagkabuhay. Kailan ba nagiging tama ang maling pananaw? Kailan nagiging katanggap-tanggap ang isang bagay na dati'y di mo maisip gawin? Kung ikaw ay nasa kagipitan, minsan nalilimutan mo kung sino ka talaga, kung ano ang mga pinahahalagahan mo, kung ano ang nararapat. Masisisi mo ba ang tao kung kailangan nyang maglihim at magbalatkayo upang mabuhay ang pamilya, upang mapag-aral ang mga anak, upang maiahon sa kahirapan ang kanyang mga mahal sa buhay? Pero alam mo bang ang isang punla ng kamalian ay nag-uugat at lumalalim, nagsasanga at bumubunga? Kapag ito'y ganap nang puno, makailang ulit mo mang putulin, ito'y patuloy na uusbong. Hangga't hindi mo kikitilin at bunutin sa pinakaugat nito, ang isang ugaling nakagawian ay mananatili. Ito'y tulad na rin ng mga bagay na pinalalagpas, pinapapasensyahan, pinagwawalangkibit magkaroon lamang ng katahimikan. Ewan ko kung kelan nagsimula, ang alam ko lang, isang ganap ng puno ng balete ang dati's tila baging lamang na umaakyat sa isang puno na dati-rati'y malago at namumunga. Ang problema, hindi na maaaring basta-bastang tanggalin ang ganitong uri ng halaman. Dahil kahit walang lupa ay nabubuhay ito, gumagapang, nananakal at sa kalaunan ay pinapatay ang dating malago at napakabungang puno. Nakakalungkot isipin na kung minsan, ang mga taong iyong tinitingala ay sya pa lang may mga lihim na kung iyong matututklasan ay sisira sa pagkatao nito. "Walang bagay na maikukubli..."

Heading Home

Friday, January 25, 2013

I often wonder what it's like to have your own home. I have always been staying with my parents, or with friends or other family members. I used to even have a backpack for an overnight stay or maybe two or three days clothes with me. I was usually "mobile" and could stay with practically any of my friends, if I feel like visiting them. My folks had to move to Iloilo when I was in 2nd year College and well, after that, home was where I slept, at least for the night. I was not really attached to any of the houses I stayed in, but there were a few homes I felt more at peace. I guess the people who were in these homes made me feel more welcome, like I was really part of their family. I have never seen a perfect home or a perfect family situation. There were always some problem or another. One home can be quite rich and beautiful and plush, but the parents were always away on business or some kind of work, and the maids and driver were the ones there for the children. There were other more humble homes near the river where the mother is the breadwinner, no father around, kids playing on the ground while the grandmother would be cooking. They seemed all happy and content this way. No electronic gadget around or air conditioning unit in the small hut, but the laughter is genuine and the people around are so friendly. They would most likely give up their bed and sleep on the floor when the guest arrives. There are also some "normal" homes where the father, mother and children gather around during meals - breakfast, lunch, dinner - especially during weekends. Those are happy memories of pancakes and milk or hot chocolate; some bananas or some other fruit on the table, and you help yourself with second servings. I am not so good at remembering things, but I do remember people, especially kindness and genuine friendships. Family for me is never limited to blood relatives. These are people who are there when you are needy and unable to take care of yourself, they are the ones who pick you up after a bad day or a bad situation. They invite you to their homes to heal you and wipe your tears away. I've met a lot of good people around. They come from all walks of life. They give out of their poverty, out of their abundance and sometimes yes, out of lack. One thing is common though, I was always welcome in their homes. Some Christmases and New Years were spent with such friendly faces. I chose to stay in Diliman to finish College, and well, that meant living away from my parents. It was probably not a good decision, but eventually, my wrong choices led me to the point of self destruction and by God's grace, redemption. Do you know how it feels to be in total control of everything and actually believe you can conquer the world? Well, that was how I felt then. Little did I know that everything you accomplish and everything you have is actually nothing and insignificant without God. I dream of having a place of our own. A home we can call our own. A sanctuary where no one can tell you that you have to go because you have to leave for another place. But you know what? Jesus said: "In my Father's house are many mansions. I will go there to prepare a place for you." Such a glorious promise!!! We have a home in heaven! A place we can call our own. There we will have such unspeakable joy and have everlasting peace! I await that day, when I can finally be with the Lord. But for now, I look forward to heading home. This time, we will have our own.

Paglalakbay Tungo sa Paroroonan

Wednesday, January 23, 2013

Bakit nga ba kung minsan, nagiging libangan ang maglakbay? Marahil kung ikaw ay laki sa probinsya, nangangarap kang minsan ay makarating ng Maynila at mapuntahan ang iba’t ibang lugar na nakikita mo sa telebisyon. Kung minsan naman, ikaw ay laking Maynila at gusto mo namang makasagap ng sariwang hangin at mapuntuhan ang mga batis na dalisay, mga talon na tila nagbibigay ng kakaibang sigla at mga tanawing nakakapawi ng stress sa buhay. Iba’t- iba lang talaga ang ating buhay na kinagisnan at iniisip nating maaaring “Tila mas mainam ang damo sa kabilang bakod” (The grass is always greener on the other side of the fence). Ako’y lumaki sa Maynila, pero ako ay mapalad dahil may inuuwian kaming probinsya at nang kalaunan, kami ay tumira sa Iloilo, kung saan ang siyadad at probinsya ay madali mong mapupuntahan araw araw kung iyong nanaisin. Nariyan ang mga tanawin ng kabundukan, ang bukid sa paligid ng bahay, ang dagat na maaari mong lakarin, at mga nagtataasang puno ng Eucalyptus sa harapan ng bahay. May mga iba’t ibang puno rin sa bakuran - mga saging, atis, mangga, papaya, atbp. Kung gusto mo namang manood ng sine, pwede rin kasi isang oras lang na byahe, nasa syudad ka na. May SM City, Gaisano Mall at sa susunod pang taon ay may Mega World na rin. Talagang progresibo at sadyang maunlad ang Iloilo. Pinaghalong makabagong teknolohiya, at ganda ng antigong kultura ang iyong makikita. Nariyan ang mga lumang simbahan, mga industriya ng paggawa ng palayok atbp, paghahabi o “weaving” at ang sikat na mga pagkain ng mga Ilonggo: pancit molo, bachoy, bai-bai, barquillos, atbp, maging mga pagkaing dagat tulad ng talaba, diwal, at iba’t-ibang klase ng isda; mayroon ding mga sinugbang baboy at manok, lechon sa kalsada ng Villa tuwing Linggo at mga samo’t saring kakanin at panghimagas na mabibili sa palengke at maging sa foodcourt ng malls. Ano pa nga ba ang hihilingin mo? Kung ang pangarap mo ay simple at tahimik na buhay, ang Iloilo na marahil ang tugatog ng buhay Pinoy. Subali’t kung minsan, ang tawag ng paglalakbay ay muling madidinig, at parang di pa rin sapat ang lahat ng iyon at tila ganun na lang ang iyong nakikita at natatanaw araw-araw. Baka sa ibang lugar, may mas mabuting buhay, may mas mabuting trabaho, may mas mabuting mapupuntahan. Ganun marahil ang dahilan kaya’t ang paglalakbay at turismo ay isang malaking industriya, saan ka man sa mundo. Nakarating ka na ba ng Dubai? Sa mga hindi pa, tila isa itong paraiso sa mga magazine, tv at maging sa pelikula. Parang napakaganda talaga ng Dubai. Sabi nga nila, ito ang bagong “shopping hub” ng mga may kaya sa buhay. Lahat halos ng naisin mo, maaari mong mabili dito. Mula electronics, damit, sapatos, kotse, atbp. Pero sa totoo lang, iba ang sitwasyon pag doon ka na nakatira. Mahal ang bahay, mahal ang taxi, magastos at di naman gaanong kalakihan ang kikitain mo doon. Marahil kung mamamasyal ka lang, maganda nga ang Dubai dahil talagang naglalakihan at naggagandahan ang mga gusali doon. Naparaming mapupuntan, kaya’t kung marami ka namang pambili, hindi problema ang mag-enjoy doon. Subali’t kung ikaw ay ordinaryong manggagawa, kailangan kang maki-“sharing” na lang ng kwarto para makatipid. Tatlong pamilya sa isang maliit na kwarto ay maaaring magkasya. Kung binata ka, kahit siguro anim pwede pa, kung dalaga, ganun din. Kung sabagay pag nasa abroad ka, di mo na rin alam kung sino talaga ang may asawa. Lahat kasi “single” na pag di kasama pamilya. Pag uwi ng Pinas, ibang usapan na yon. Pero ano nga ba ang makabuluhang paglalakbay? Saan ka ba talaga patutungo? Ang buhay ba ay magkakarugtong lamang na mga araw, kung saan naghahanap ka ng panandaliang kaligayahan o panandaliang lunas man lang sa sakit o pait ng iyong buhay? May iba pa bang mas mahalaga dito kaysa sa pagkakamkam ng kayamanan o pagkakaroon ng kaunting ginhawa man lamang sa buhay? Maaga kasi akong nagkaroon ng responsibilidad sa buhay, kaya’t marahil, maaga ko rin kailangang maunawaan ang mga bagay-bagay. Minsan naiisip ko nga na ang mga napapanood natin sa “Maalaala Mo Kaya?” ni Charo Santos ay talambuhay ko rin, yun nga lang marahil, sampung kwento, lahat nangyari sa akin. Daig ko pa ang pusa na may 9 na buhay. Pakiramdam ko, di na mabilang ng daliri ng kamay ko ang dami ng beses na nabigyan ako ng ikalawang pagkakataon sa buhay. Ilang beses na naisip kitilin ang tinig at pag-iisip; ilang beses, gustong mamayapa, ilang beses nakalimot sa tunay na halaga ng buhay. “You shall know the truth, and the truth shall set you free.” “And whom the Son sets free is free indeed!” Ang kalayaang makapag-isip, makapagsalita, makapahayag ng damdamin ay isang karapatang hindi natin naaappreciate hanggang ito’y wala na. Tanging ang kalayaang makapagdesisyon at makagawa ng tama o mali ang tunay na kalayaan dito sa mundo na inaabuso ng karamihan. “Ang kalayaan mo ay nagtatapos sa pagkitil ng kalayaan ng iba.” Ikaw ay malaya hindi dahil karapatan mo ito, kundi ito ay binigay ng Dios sa bawat isa. Buhay ang ibinuwis para sa kalayaang tinatamasa mo. Buhay ang kapalit para ikaw ay mamuhay ng sagana at may kalayaan. Mahigit dalawangpung taon na ang nakalilipas, isang sanggol na ipinanganak sa isang dampa sa Bethlehem ay isinilang. Nabuhay sya sa isang lugar kung saan ang mga tao ay itinuturing na mga yagit, mahihirap at walang rangya sa buhay. Ngunit sa kanyang pagdating, tatlong hari ang bumisita, kabilang ang mga pastol sa bukid, sampo ng ng anghel sa langit, nagbubunyi, nagdiriwang sa pagsilang ng Hari ng hari, Panginoon ng mga panginoon, tagapagligtas ng sangkatauhan. Ang pangalan Nya ay Jesus. Tatlong taon lamang ang kanyang pagtuturo at pag eebanghelyo. Tatlong taon na nagtapos sa isang malagim na hapon kung saan ang mundo ay nagdilim at tila ang sumpa ng sangkatauhan ay naipataw lahat sa Kanya. Ang pait, sakit, pangungulila at pagtatakwil ay Kanyang nadama. Ang lahat ng kasalanan ng bawat isa sa atin ay naipataw sa Kanya. At dahil doon, ni hindi sya gusto makita ng Kanyang Ama. Sa sandaling iyon, maging ang Dios Ama ay tumalikod sa Kanya. Pero hindi doon nagtatapos ang kwento. Matapos ang ikatlong araw, muling nabuhay si Jesus at ngayo’y nakaupo sa kanang bahagi ng trono ng Dios Ama sa langit. At ngayon, at sa habang panahon,Siya’yating pupurihin dahil tayo’y malaya na! Malaya na tayo sa batas ng kasalanan at kamatayan. Nagkatawang tao Sya at nagbuwis ng buhay, upang tayo ay makaranas ng buhay na walang hanggan, kung saan sa langit ay wala ng luha, walang sakit o pait, wala nang pasakit! Sa pagpanaw ko, mayroon na akong kapayapaan, ngayong alam ko kung saan ako talaga patutungo. Tayo ay dumadaan lamang dito. “We are just passing through!”

Buhay OFW, Buhay Artista

Monday, January 21, 2013

Sa mga hindi OFW, maaaring mahirap unawain ang mga sasabihin ko. Pero sa isang inang katulad ko, alam kong maaantig din ang inyong mga puso. Ang isasalaysay ko ay isang pangkaraniwang buhay ng isang ina, kapatid, at anak. Sa isang banda, sana'y kitilin ang inyong panghuhusga dahil lahat tayo'y nagkakamali. Ang mahalaga ay ang muling pagbangon at "muling pagkabuhay" upang maging isang pagpapala. Noong taong 2008, niyaya ako ng isang kapwa guro sa Unibersidad na mangibang bayan upang mapabuti ang aming kalagayan sa buhay. Ako'y single parent noon, may isang Kolehio at isang Hayskul na anak. Bagaman maganda naman ang aking trabaho at may mga ilang mga proyektong pandagdag sa aming mga gastusin, ako'y nakikitira pa rin sa aking mga magulang. Ilang beses rin akong nagpaalam sa aking ama, at may mga panahong nakabukod na rin naman kami. Ngunit nang mga panahon na iyon, ang panganay ko ay nag-iisip nang maging isang doktor balang araw. Sa pagnanais na mabigyang katuparan ang mga pangarap ng aking mga anak, nagdesisyon na rin akong maging isang OFW sa Gitnang Silangan. Kakalipad palang ng eroplano patungong Maynila, umiiyak na ako. Unang beses akong aalis ng bansa, unang beses mawawalay sa aking ng mga anak sa kanilang kaarawan, pasko, at nakakalungkot mang isipin, maging graduation. Nasa ibang bansa ako, hindi ko inakalang napakalaki ng mga paliparan, at ang mga babae at lalaki ay magkahiwalay ng mga upuan. May mga babaeng nakabalot mula ulo hanggang talampakan at ang iba ay halos mata lang ang makikita. Sinundo ako at dinala sa isang gusali, kung saan naroon nag-aabang ang aking kaibigan at isang dalagita - mga kasama ko sa bahay o"flat" na aking tutuluyan. Ilang araw pa lamang ay pinagsisisihan ko na ang aking pag-alis. Hindi ko makayanan ang lungkot at ang "stress" na malayo sa pamilya. Hindi ko makayanan ang init (Mayo ako umalis, umuulan sa Pilipinas, tag-init sa Gitlang Silangan, hating gabi na ay 38 degrees celsius pa rin). Hindi ko inakalang ang aking tuturuan ay ni hindi marunong bumasa ng Ingles at sumulat ng kanilang saring mga pangalan. Paano ako magtuturo ng leksyong pangKolehiyo kung ang mga estudyante ay ni hindi marunong makipag-usap sa lebel ng ikaapat na baitang? Araw-araw yata akong umuuiyak. Linggo linggong tumatawag sa aking mga anak at mga magulang. Araw araw halos nangungulila sa kamila. Taliwas sa inaakala ng karamihan, wala ka talagang maiipon dito. Ang kinikita ko noon ay halos pumupunta lang sa bayad ng bahay, at pagpapadala ng pera sa aking mga anak. Umalis ang ibang mga kasambahay ko, kasama ng aking kaibigan; dalawa na lang kaming naiwan sa bahay; at napilitang magpapasok ng mga estranghero. Naloko, nautangan, hindi binayaran. Mga kapwa Pilipinong nasa mas masahol pang kalagayan sa amin. May isang bwan pinaghatian namin ang halos dalawang libong pisong naiwan. Sa ibang bansa, ilang araw lang yun tatagal dahil mas mahal ang bilihin. Natuto kaming maglakad na lang pauwi para makatipid. Ilang buwan pa at talagang di ko na makayanan. Nagpaalam na akong uuwi ng pasko. Pinayagan naman ako kasi mabait naman yung boss ko. Ang problema, mahal pala ang ticket pag Disyembre. Wala akong mahigit na singkwenta mil para makita ang mga anak ko ng sampung araw. Yun lang ang maibibigay na emergency leave sa akin. May pasok dito. Walang Pasko o Bagong Taon dito. Hindi ako basta basta makakauwi. At dahil nga wala akong perang malaki, hindi ako makauwi. Ang ginawa namin ng aking bagong roommate, pumunta kami sa Dubai kahit halos sapat-sapat lang ang pera namin para isang araw na pag-iikot. Nakakalula ang laki ng mga gusali. Bawat lugar ay may Pilipino. Pero sa ibang bansa, parang di pala magkalahi ang mga Pinoy, kanya kanya. Bahala ka mabuhay mag-isa, bahala kang umintindi ng sarili mong problema. Lahat ng tao dito may kanya-kanyang problema. Marso ako nakauwi, isang buwang bakasyon; tapos Setyembre; Pebrero ng susunod na taon at Agosto. Mabilis lumipas ang panahon. Madaming pagbabago at kasama nito ay ang kakayanang makabili ng mga bagay na dati ay tinitingnan lang namin sa mga malls. Siguro dala na rin ng pagnanais na mapunan ang pagkawala ko, lahat ng hiniling ng mga anak ko na materyal na bagay na maibibigay ko, binibili ko para sa kanila. Alam kong mas nakaipon sana kami kung naging mas maingat sa paghawak ng pera. Noon kasi, parang nakakaawa naman sila kung wala na nga ako, di ko pa maibigay ang gusto nila. Nagsisimba naman ako, nag-aattend ng Bible study at nagdarasal. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, may mali pa rin sa buhay ko. Hindi pwedeng ang halos lahat ng bagay ay parte si Lord sa buhay mo. Ang gusto Nya ay ang kabuuuan. Na Siya ang Hari at Dakilang Dios ng buhay mo, ng buhay ko... Matapos akong magsisi, manumbalik at humingi ng tawad sa Dios, ang kabutihan Nya at Awa ang nagligtas sa akin. Natuto akong mabuhay ng may pangarap muli, na maniwalang ako'y maganda sa Kanyang paningin, at mahal Niyang tunay. Umabot ako sa punto na hindi ko na rin gustong masilayan pa ang isang umaga. Kawalan ng pag-asa, kawalan ng rason upang mabuhay. Hindi ko yun inaasahan. Ang tingin ng karamihan, nasa akin na siguro lahat ng kakailanganin at gugustuhing makamit. Ngunit bakit parang may kulang pa rin? Ilang umaga ba ang kailangan para malamang ang buhay ay walang halaga kung wala ang Dios? Ilang gabi pa ang lilipas para maunawaan ng isang nilalang na ang dilim ay lumuliwanag lamang sa piling Nya? Walang yaman, kakayanan o tagumpay na magpupuno ng kawalan sa puso, na tanging si Jesus ang makakalunas at makapagbibigay ng uumapaw na pag-ibig, kaligayahan at kapayapaang di natitinag ninuman. "Seek ye first His Kingdoma and His righteousness, and all these things shall be added unto you." Jan 31, 2010, ikinasal ako sa Embassy, kasama ang aming Pastor at mag-asawang syang saksi sa aming pag-iisang dibdib. Hindi nagtatapos doon ang mga problema, pero kapag kasama mo si Lord, ang problema ay lumilipas at hindi kumikitil ng pag-asa. Parang buhay artista ang pagiging isang OFW. Nakangiti ka kahit minsan napakalungkot mo. Nagpapadala ka ng pera sa pamilya mo kahit wala ka halos pagkain sa maghapon. Nagbibigay ng sangkatutak na regalo pag-uwi, bagaman wala ka halos bagong gamit sa maliit na kwartong tinutuluyan mo sa abroad. Paminsan minsan, tunay naman ang ligayang nadarama mo kapag yakap mo na ang kapamilya mo, yapos ang iyong ama't ina at mga anak. Ang isang taon ng lumbay ay napapalitan ng isang linggong galak kapiling sila. At sa pagbabalik abroad, may baon kang mga mangga, otap, pulvoron at maging bagoong, kasama ang sangdamukal na litrato at alaala. Kahit isang taon or dalawa man ang lumipas, babalikbalikan mo yun, para muling malimutan ang lungkot at sakit ng mawalay sa pamilya, makapagpadala ka man lang ng balikbayan box sa birthday ng anak mo. Yan ang totoo. Hindi biro ang pagiging isang OFW. Tibay ng sikmura (dahil yuyurakan ng ibang lahi ang pagkatao mo), tibay ng dibdib (dahil ilang ulit kang masasaktan dahil hindi pa rin kasya ang iyong padala), at tunay na pananampalataya (dahil ang Dios na Buhay lang ang tunay na makapagliligtas sa yo) ang kailangan mo para mabuhay sa ibang bayan.

Loving, living and coffee

Thursday, January 03, 2013

I love my husband dearly. I've always known he was a gift from God. He has been my best friend, greatest love and closest kin, and I am so very blessed to have him in my life. I have never felt this way before (though it sounds cliche), I love him more each day too! He's just who God said he would be and I am in awe of God's grace, mercy and forgiveness for restoring me and loving me and my husband to have us spend our lives together. I am not even the jealous type, yet I find myself feeling unusually upset because of it. It's strange that I feel that way over something silly yet, I do. It never occurred to me to be the clingy, wimpy damsel in distress. Yet it is strange to feel a tinge uncomfortable when I think he may be looking at another girl. He never does linger, yet even the thought of someone else taking his time is really unpleasant.

It makes me ponder upon God's jealousy upon his people. He wants no other God besides Him! He wants people to worship Him only, there should be no one else besides Him!

Writing, writhing, rewriting



I must write. I need to start doing what I love most and be who I am, what God has placed in my heart and what I need to become - to be an encouragement to others as He has sent so many in my way all these years to be to cope and want to live another day. It has been almost five years since, I left the Philippines to live in this strange land; not by choice, but perhaps by circumstance and need. Many decisions we make are borne out of need. Others we make because it is the right thing to do. Yet what we decide altogether affects the way we live our lives, how others will live theirs and how our future will be. Yet what is the future but a series of days and events that unfold, never really reaching it, only progressing, but never quite "there yet"? I used to think that when I grow up, I would be a doctor, heal the sick and be happy all the days of my life. Now that I've grown up, I realize it is not as easy as that at all. And my dream is now being pursued by my daughter. (As I pursued my father's dream of getting a PhD) I had to change mine in order to better take care of my children. After giving birth, everything changes and my own dreams and needs are insignificant to the needs of my children. Somewhere along the way, "I lost myself" and what I was. I think for a long time I was simply "alive" knowing that my children need me and I have to work and do my best to take care of them. As they grew up and each wanted to pursue their own dreams, my concept of self and what I am supposed to be somehow changed. I needed to be "somebody" and do "something significant and worthwhile". The problem with the pursuit of "excellence, honor and respect" is really quite an illusion in itself. It is simply a concept of a "better self", but from whose perspective, no one really knows. Awards and distinction and people's praise may give you a brief satisfaction of a job well done, but at the end of the day,all these things are really quite insignificant if you come to think of it. It is "a chasing after the wind"(Ecclesiastes) to no eternal significance. In my struggles for self concept and self worth, my good friend Elaine would usually be there to remind me of how God sees me, not how others view me or how I perceive myself. There were moments of madness and escape from reality, just to numb the pain. Loss and abandonment can have that effect on me. It seems that there is really no more reason to move another step forward...yet somehow, the light of God's love manages to reach me, just in time to pull me out of darkness into His marvelous light! After living in the dark for a long time, having light in your life can give you momentary 'blindness'. It seems that all things are new and you really do not know where to begin or what you want to do after. My world has changed a lot since then. I am in a different plane of consciousness, where everything is more real, even though I am in fact inside a room, by myself. Communication is instantaneous and at my fingertips. Friendships are within a click of a button. Everything is faster and so much easier. But with such fast pace of technology, human interaction and "intimacy" is relegated to the cyber world. It is so much lonelier now. I used to think of the world as such a small place. It's just just the same - seeing the same people and doing the same things everyday. Now it's a little more complicated than that. I am not sure if it is better. After seeing so many "new things" it seems that self satisfaction becomes heightened and the need to "be there" and "do it" seems just as inviting. But still the basic question remains: "What of it?" Whether in plenty or in lack, the only thing that really matters are the things that truly last forever."What profits a man if he gains the whole world yet loses his soul?"